United States or Sweden ? Vote for the TOP Country of the Week !
Lumbay n~g magulang sa Pari ang tin~gin, ná patayo't baba sa dib dib padiin, lubhang mahalaga cung baga isipin may nasang itanong, n~gunit napipiguil. Dapouat sa Principe ang gayo'y di lin~gid at caya sa aua sa Pari'y nagsulit, aniya "Padre, n~gayo'y ¿sabihin ang baquit Julieta't Romeo'y bangcay pinagdatig?"
Romeo ang caniyang malambing na sagot aniya, "sa silid mo magtuloy cung tulot aco'y macacanlong sa guinao at hamog tahimic pa quitang ualang caba't tacot." Sa pagayong hiling Julieta'y dinamdam naapi ang budhi't ang dib dib sinicpan, naurong sa layo't ang mata sa hirang tila baga ibig lihim pa'y hanapan.
Tugon ni Julieta, "dusa man sa dib dib guinao sa bintanang sagap mo at tiis n~gunit lason naman sa aquing pag-ibig ang icao itabuy sa harap co'y malis." Pac-li ni Romeo "di man cata lisan may iba pang lunas na dapat pacamtan," tugon ni Julieta, "sa sabi co y liban ualang maapuhap sa isip anhin man."
Ano't n~g tumiguil sa mata'y pagtulo n~g maraming luhang nagbig-lang bumugso, ang capoua dib bib nalouagang tanto sa sabic na titig n~g pagca-catagpo. Naguaguing umiral n~ga ang napiping sulit sa tali n~g buhay na tilá papatid, n~gunit ualang ibang pagliham n~g hibic cun di ang pagsunong sa palad na amis.
Salita Ng Araw