United States or Cameroon ? Vote for the TOP Country of the Week !


Pagkatapos n~g pagkakasunduan ay ginaganap ang pagkakaloob n~g bigay-kaya na ang karaniwang halaga ay isang daang putol na ginto na maaaring palitan n~g m~ga alipin ó m~ga hiyas.

At ang gayon pa mang magulang na n~g babae ang tumatangap n~g bigay-kaya at hindi siyang nagkakaloob, ay namamalas pa rin ang malabis na kapanglawan, na kaiba sa Europa na wari ipinagmamadalian n~g magulang na ihiwalay ang anak na dalaga hangang sa lumalabas na katuwan hitsura kung minsan ang ina.

Datapwa't kung si Dayang Matî naman ay masamang asal ay babawiin sa kanya ni Gat Maitan ang "bigay-kaya", iiwan siya at mag-aasawa sa ibang babae, saka pinasasaksihan sa m~ga kaharap.

Ang sino man ay hindi nacapag aasawa n~g hihigit sa isa, at cung sacaling may ibang kinacasama, ay pinan~gan~ganlang sandil ; datapwa't, sa Bisaya, palibhasa'y malapit sa Mindanaw, ay inuugali n~g iba ang asal n~g camorohan na nag-aasawa n~g dalawa ó tatlo, bucod pa sa m~ga kinacasama. Ang nagbibigay n~g bigay-kaya ó bugey ay ang lalaki, na hindi gaya sa Europa na babae ang nanunungkol nito .

Kung ang babae ang humihiwalay sa asawa upang mag-asawa sa iba ay kailan~gang isauli ang bigay-kaya at dagdagan n~g isang gayon, na ang magsasauli nang nabangit na bigay-kaya ay ang magiging bagong asawa. N~guni't kung humihiwalay lamang at hindi upang mag-asawa sa iba ay ang bigay-kaya lamang ang isinasauli.

Kung ang mag-asawang naghihiwalay ay may anak ay napapa sa anák ang bigay-kaya at ang nag-iin~gat nito ay ang m~ga nuno kung buhay pa ó kung dili ay isang taong mapagkakatiwalaan. N~guni't ani P. Aduarte ayon sa salaysay ni Rizal ay hindi na naghihiwalay ang magasawa kung may anak dahil sa paglingap sa anák. =Iba't ibang kapaslan~gan.=

Sa Inaring Anak. ang pag-aring anak sa iba ay totoong kaugalian at sa pagmamanahan ay nagmamana n~g ibayong halaga ayon sa ibinigay n~g ama n~g siya'y ipaaring anak: ano pa't kung ipinagbigay siya n~g isang putol na ginto ay magmamana siya n~g dalawang putol sa pagmamanahan. =Sa Bigay-kaya.= Ang nanunungkol n~g bigay-kaya ay ang lalaki at ito'y ayon sa kasunduan.

Basahin ang Kaugalian Pinanununtunan sa kapasla~gan at Sigalutan. Lalong mabuti, ani Rizal, na lalaki ang manungkol n~g pagkakaloob n~g bigay-kaya kay sa babae, dahil na sa ganitong paraan, ay hindi nagkakalalayo ang magmamagulang, samantalang sa Europa, kung magkaasawa ang lalaki n~g mayaman at magkasalapi ay nagkakalalayo na.

Sa pag-aasawa ay inuugali ang pagkakasunduan n~g m~ga magulang saka ang bigay-kaya na gaya rin n~g sa ibang lahing gubat. Tungkol sa pagdidiwan nito ay sarisari ayon sa iba't ibang angkan n~g m~ga ito, n~guni sa m~ga itim na nan~ga sa bundok n~g Mariveles ay ganito di umano.

Ang kasunduang ito ay karaniwang pinagkakayarian n~g m~ga magulang mula sa pagkabata n~g m~ga anak, at kung gayon ay katungkulan n~g m~ga magulang n~g lalaki na ipagpauna ang kalahati n~g bigay-kaya na pinan~gan~ganlang kalabgayan at pagdating n~g araw n~g pag-aasawa ay saka ibinibigay ang kalahating kabuoan na pinan~gan~ganlan bigay ó dahik . Ang bigay-kaya ay napapa sa magulang n~g babae.

Salita Ng Araw

pagtanungan

Ang iba ay Naghahanap