United States or Guinea ? Vote for the TOP Country of the Week !


Siya nangang pagdampot na sa frasco nitong princesa, at babasaguing talaga sa malaquing galit niya. Dito nanga naramdaman nang príncipeng si don Juan, at naquilala ngang tunay si doña Maríang mahal. Linapitan capagdaca at saca niyacap niya, icao nga ang aquing sinta na iniuan co sa villa. Aco ang may casalanan sucat mong paghinanactan, pagca't, aco'i, nalapitan ni Leonorang timtiman.

Namatay ang kabiyak ng puso mong si Daniel ng dahil sa iyong pagtataksil! Kaya't ang kahabaghabag na si Leonora ay walang naging palad kundi ang magsisi. Idalangin ang asawang namatay at pagsisihan ang mga kasalanan niyang nagawa. Humingi ng tawad sa Poong Maykapal at hinihinging patawarin ang maling landas na binagtas ng kanyang buhay. Kaawaawang Leonorang nagluksa sa buhay!

Nagsitindig capagdaca capua tinanong sila, na cun alin sa dalauá ang maguiguing asaua. Sumagót na capagcuan si don Pedrong tampalasa't, tinuro sa haring mahal si Leonorang timtiman. Itong mahal na princesa lumuhód capagcaraca, dinguin nang vuestra alteza ang aquing ipagbabadyá. Aco po ay palugalán manga pitong taón lamang, saca aco pacacasal sa anác mong minamahal.

Hindi kaya mapuna ni Daniel Perez, ang mga bagong pagkilos ni Leonorang kanyang kabiyak ng puso? Pamuling dadalawin ang binatang may sakit sa puso ng dahil sa sumpang nilimot datapwa't hindi na kaya ito mapupuna ni Daniel Perez? Si Daniel Perez, Oh! kaawaawang asawa ni Leonora! Hindi pala minamahal ng asawa! Kaawaawang lalaking hindi nagkaasawa ng kaisang matapat.

Leoning, Leonora. Sa pagkarinig na gayon ni Eduardo sa ngalang Leonora ay kanyang nawikang sino kaya ang Leonorang yaon? sino ang Leonorang iyon, baka kaya si Leoning ah? At, mahirap nga naman ang pangyayaring yaon dahilan sa hindi sila magkakilala sa may mga takip ang kanilang mga mukha. Isang napakahiwaga ang gayon para kay Eduardo, baka nga kaya si Leoning?

Ano pa nga at nagcabagay pinag-isang catuiran, tinauag nilang marahan doña Leonorang mahal. Nang oras ding yaón naman sabáy silang iquinasál, fiesta'i, dalauang siyam sa Berbaniang caharian. Ay ano'i, nang matapos na ang canilang pagsasayá, isasalin ang corona cay don Juang anác niya. Si doña María'i, nag-uica ó monarcang daraquila, sumandaling mag-unaua sa aquing ipag-uiuica.

Sagót ni don Jua't, badyá huag cang mag-ala-ala, aco'i, ualang ibang sintá hindi malilimutan ca. Lumacad na si don Juan pumasoc sa caharian, at nagtulóy capagcuan sa hari niyang magulang. Nang siya ay dumating na sa harap nang haring amá, caguluha'i, sabihin pa nang consejerong lahat na. Sa malaquing caingayan sa loob nang caharian, ito'i, agád napaquingan ni Leonorang timtiman.

Ang mga bulaklak ay iniaalay at isinasabog niya sa ibabaw ng libing ni Daniel Perez, ang kanyang asawang nagpakamatay sa sarili nang dahil sa pagsusukab ng asawang ngayon ay siyang dumadalaw sa kanyang libing, nagsisisi at lumuluha. Kaawaawang Leonorang nagluksa sa buhay! At, hindi nga magbabalik ang lahat. Natapos na ang lahat ng kaligayahan sa buhay ni Leonora.

Salita Ng Araw

mandi'y

Ang iba ay Naghahanap