United States or Bermuda ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang uica niya at saysay haring macapangyarihan, aco ang corderang leal na naparitong nag-lacbáy. Di caya mangyari bagá mahal na vuestra alteza, isang laro'i, ipaquita dito sa novio at novia. Ang uica nang hari't, saysay ó emperatriz na mahal, ituloy ang calaruan sa haráp nang capisanan. Nang ito ay marinig na nang bunying emperadora, quinuha na capagdaca diamanteng singsing niya.

Binucsán na niyang tambing yaong silíd niyang lihim, lumapit nanga sa siping ni don Juang sinta't, guilio. Umupo na capagcuan doon sa sinapupunan, nauala sa gunam-gunam princesa niyang iniuan. Ang uica ni Leonora ó daraquilang monarca, dinguin nang iyong alteza ang aquing munting querella. Pagca't, ngayo'i, narito na ang sa aquin ay cumuha, tapós na po ang panata na hiningi co nang una.

Nagsitindig capagdaca capua tinanong sila, na cun alin sa dalauá ang maguiguing asaua. Sumagót na capagcuan si don Pedrong tampalasa't, tinuro sa haring mahal si Leonorang timtiman. Itong mahal na princesa lumuhód capagcaraca, dinguin nang vuestra alteza ang aquing ipagbabadyá. Aco po ay palugalán manga pitong taón lamang, saca aco pacacasal sa anác mong minamahal.

Ang sagot nang calahatán destierro'i, ang carampatan, nang huag silang mapisan sa príncipeng cay don Juan. Nang cay don Juang matatap ang hatol na iguinauad, siya ay nagdalang habág sa capatid niyang liyág. Lumapit capagcaraca sa harap nang haring amá, dinguin nang vuestra alteza ang aquing ipagbabadyá.

Anang doña Leonora mahal na vuestra alteza, sandaling paquingán niya ang aquing munting querella. Ngayon co na po tuturan ang lihim cong iningatan, at nang iyong maalaman yaong hirap ni don Juan. Aco ay doon quinuha sa bundóc niyong Armenia, cami ay magcacasama capatid cong doña Juana. Tiuasáy ang aquing lagay sa lupang cailaliman ang príncipeng si don Juan ang siyang cumuha lamang.

Ay mayroon namang isá na bagong cararating pa, siyang nagpahayag bagá saquit nang bunying alteza. Ang damdam mo haring mahal ay galing sa panaguimpán, sa iyo'i, aquing tuturan ang iyo pong cagamutan. May isang ibong maganda ang pangalan ay Adarna, cun marinig mong magcantá ang saquít mo'i, guiguinhaua.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap