United States or Iceland ? Vote for the TOP Country of the Week !


At, kung mabunyag nga naman ang ginawang yaong pagtataksil ni Leonora, ay wala nga namang siyang mapapala kundi malalakas na halakhak, mga pagngisi na wari bang pinasabing: Hoy! niluko, naulol, pinagsukaban ng asawa!

Limutin mo ako kung siya mong nasa't saka pa umibig sa ibang binata, ang pagtataksil mo'y di ko iluluha pagka't ang babae'y taong mahiwaga. Ang paglilihim mo'y aking kamatayan, ang ginagawa mo'y parusa n~g buhay, kundi ka tutupad sa bilin ko't aral ay ako'y walin na sa iyong isipan.

At ang ilan sa kanila ay boong n~gitn~git na sumasaksi sa gayong pagkapariwara n~g aklasan, dahil sa pagtataksil n~g m~ga kapatid din nila; subali't ang lalong marami ay waring nan~gaiinggit na sa nagsisipasok.

Kinukuro at dinuduklay sa isip ang sanhi at kung bakit may m~ga manggagawang sa kilusang tun~go sa pagtatanggol n~g karapatan na pinagsisikapang itaguyod n~g iba nilang kamanggagawa ay nagkakatápang na siyang sumira sa kilusán sa pamamagitan n~g pagtataksil.

Kaya't ang kalooban ni Daniel ay waring lalong lumakas at nagkaroon ng tapang sa mahiwagang yaong pagtataksil ng asawa. Dadalawin daw ay isang kaibigan? Si Fely. Oh! kasinungalingang lahat. Anong hiwaga nga naman! Sa loob ng isang silid ay kaagad narinig ni Daniel ang tinig ng mga pangungusap ng asawa. Nakikipagusap sa kinakasuyong lalaki: kay Eduardo.

¡¡Magtiis tayong lahat!! ang sigaw n~g lalong marami. Salamat, m~ga kapatid: ang patuloy pa ni Mauro Kung gayon mula sa araw na ito, buhat sa m~ga sandaling ito, ang sandata nating m~ga manggagawa na dili iba't ang aklasan, ay gagamitin, upang huwag na muling isalong kundi kung tamuhin na ang ganap na tagumpay. ¡Magpakatatag tayong lahat! At huwag nawang samakanino man sa atin ang pagtataksil.

Ang lahat ay nagkaroon ng iba't ibang kurokuro. At, ang kulangpalad na si Daniel ay wala ng naitagal pa kundi ilang araw na lamang. Anim na araw na singkad sa Hospital Heneral at namatay rin siya pagkatapos. Ang asawang sukab, na si Leonora ay walang nagawa kundi ang manggipuspos at magdalamhati ang puso. Namatay at nagpakamatay sa sarili ang kanyang ginagawan ng pagtataksil.

Namatay ang kabiyak ng puso mong si Daniel ng dahil sa iyong pagtataksil! Kaya't ang kahabaghabag na si Leonora ay walang naging palad kundi ang magsisi. Idalangin ang asawang namatay at pagsisihan ang mga kasalanan niyang nagawa. Humingi ng tawad sa Poong Maykapal at hinihinging patawarin ang maling landas na binagtas ng kanyang buhay. Kaawaawang Leonorang nagluksa sa buhay!

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap