United States or Netherlands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ano pa nga at nagcabagay pinag-isang catuiran, tinauag nilang marahan doña Leonorang mahal. Nang oras ding yaón naman sabáy silang iquinasál, fiesta'i, dalauang siyam sa Berbaniang caharian. Ay ano'i, nang matapos na ang canilang pagsasayá, isasalin ang corona cay don Juang anác niya. Si doña María'i, nag-uica ó monarcang daraquila, sumandaling mag-unaua sa aquing ipag-uiuica.
Ano ipa't, silang dalauá sing-ibig na mag-asaua, mahusay ang pagsasama ualang pagtatalo bagá. Sila'i, lubós nagcabagay at capua manga mahal, mag-utos pa ay malubay sa manga vasallong tanán. Caya nga't, ang naging hangá nitong bunying mag-asaua, nang sila'i, mangamatay na quinamtan ang santa gloria. Ito ang dapat tularan nang mag-asauang sino man, ang loob na cababaan capatid nang capalaran.
Salita Ng Araw