United States or Serbia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Si don Pedro ang panganay na anác nang haring mahal, at ang icalaua naman si don Diego ang pangalan. Ang icatlo'i, si don Juan ito'i siyang bunsong tunay, parang Arao na sumilang sa Berbaniang caharian. Ito'i, lalong mahal baga sa capatid na dalaua, salang malingat sa mata nang caniyang haring amá. Para-parang nag-aaral ang manga anác na mahal, malaqui ang catouaan nang hari nilang magulang.

Ipagparito co muna magcapatid na dalauá, ang paghanap sabihin pa cay don Juang bunsó nila. Sa mabuting capalaran sa Dios na calooban, canilang napatunguhan ang Armeniang cabunducan. Doon nga nila naquita ang bunsóng capatid nila, si don Diego'i, nag-uica na nang ganitong parirala. Cun dalhín ta si don Juan sa Berbaniang caharian, quita ang parurusahan nang haring ating magulang.

Na ang sabi sa historia nang panahong una-una, sa mundo'i nabubuhay pa yaong daquilang monarca. At ang caniyang esposa yaong mariquit, na reina, ang pangala't bansag niya ay si doña Valeriana. Itong hari cong tinuran si don Fernando ang ngalan ang caniyang tinubuan ang Berbaniang caharian. Ang haring sinabi co na ay may tatlóng anác sila, tuturan co't ibabadyá nang inyo ngang maquilala.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap