United States or Finland ? Vote for the TOP Country of the Week !


Aco'i, agad sinungaban ni don Pedrong tampalasan, ang lobo co sa sucbitan ang quinuha co na lamang. Inihulog co sa hucay at aquing pinagbilinan cahit patáy si don Juan ay iyong pag-remediohan. Ito nga po haring mahal ang iyo lamang hatulan, cun siya'i, dapat macasal cay doña Maríang hirang. Ang uica nitong monarca icao ang unang nacuha, an sagót ni Leonora aco nga po't, dili ibá.

Nang sa haring maunaua yaóng cay don Juang uica, pinatauad alipala yaóng dalauang cuhilá. Nagsamang nuling mahusay doon sa palacio real, ang hari nag-uica naman sa tatlóng anác na hirang. Cayong tatló'i, halinhinan sa ibong co'i, magbabantay, ang magpaualáng sino man macacapalit ang búhay. Sa cahabaan nang arao nang canilang pagbabantay, di mauala sa gunam-gunam cay don Pedrong cainguitan.

At canilang dinaanan si doña Juanang marangal, ang tatló'i, nalis naman at sa lúbid nagtuluyan. Nang sila ay dumating na sa lúbid na laan bagá, sila ay nangagtáli na at hinila capagdaca. Nang dumating sa ibabao ang tatló'i, magcacasabáy, si don Diego ay nagsaysay narito na si don Juan. Cay don Pedrong maquita mariquit na Leonora, tinablán agád nang sintá púso niya't, ala-ala.

Ang cay don Pedrong nilaláng linapitang dahan-dahan, yaong jaula at binucsan ang ibon ay pinaualán. At saca nga umalis na na nag-ualang quibó siya, ay niyong mag uumaga si don Jua'i, naguising na. Ano'i, nang caniyang maquita na ang ibon ay uala na, sinidlán nang tacot siya sa mahal na haring amá.

Nagsitindig capagdaca capua tinanong sila, na cun alin sa dalauá ang maguiguing asaua. Sumagót na capagcuan si don Pedrong tampalasa't, tinuro sa haring mahal si Leonorang timtiman. Itong mahal na princesa lumuhód capagcaraca, dinguin nang vuestra alteza ang aquing ipagbabadyá. Aco po ay palugalán manga pitong taón lamang, saca aco pacacasal sa anác mong minamahal.

¡Tayo pala, ang sigao nang isang matanda na Capitang pasado, na ang ñgala,i, Pedrong Ilag, tayo pala,i, mahal ding tauo, at mayroon tayong mañga cababayan na mañga señorita!"

Nang maquita nang princesa guinauá sa casi't, sintá, halos manao ang hininga sa baló'i, tatalóng sadyá. Agád siyang hinauacan ni don Pedrong tampalasan, aanhin mo si don Juan aco'i, narito rin naman. Ang nasoc sa ala-ala nang hindi bitiuan siya, ang lobong aliuan niya caniyang paualán bagá. Quinuha na sa sucbitan at inihulog sa húcay, nguni't, bago binitiuan caniyang pinagbilinan.

Salita Ng Araw

lubos

Ang iba ay Naghahanap