United States or Slovakia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Fr. Miguel Lucio y Bustamante Sa aquing manga paglacad-lacad, at pagdalao-dalao sa manga bayan-bayan dito sa Filipinas, ay nacarating aco sa isang bayang ang ngala,i, Tanay sa Distrito nang Morong. Aco,i, napatiguil doon nang dalauang lingo, at dito sa pagtira cong ito,i, naguing caquilala co ang isang matanda na ang ngala,i, si Gervasio Macunat, at cung tauaguin doo,i, si Tandang Basio.
¡Tayo pala, ang sigao nang isang matanda na Capitang pasado, na ang ñgala,i, Pedrong Ilag, tayo pala,i, mahal ding tauo, at mayroon tayong mañga cababayan na mañga señorita!"
Binuclat at binasa nang taga Paco, na ang ñgala,i, Julio, at nang taga Bulacan, na ang ñgala,i, Francisco, ang naturang sulat, at sabi ni Julio cay Próspero sa uicang parian ay ganito: Seguro este hermana de Vd. demasiado beata tambien . At ang uica naman nang taga Bulacan na si Francisco: Tila,i, santulon na totoo ang capatid mo. Siya ñga, ang sagot ni Próspero.
Ang aquin pong maestro, ay isang mabait na mabait na matanda, na ang ngala,i, si Gregorio, na cung taunguin naming manga bata,i, cacang Yoyo. Totoong naibiguin siya sa aming mang escuela, nguni,t, mabagsic, po, namang siyang totoo, cung cami ay sumasala sa leccion, o sa iba,t, ibang itinuturo niya sa amin.