United States or South Georgia and the South Sandwich Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ay ano'i, nang matapos na siyam na arao na fiesta, caguluha'i, payapa na nitóng daquilang monarca. Aquing ipagbalic naman sa lobong pinacaualán, nang maquita si don Juan manga lamóg ang catauán. Ang guinaua capagdaca nitong lobong encantada, guinamót pinag-ayos na catauáng caaya-aya. Ano'i, nang gumaling naman at siya nga'i, macagalao, ang lobo'i, nuha pagcuan nang tatlong botellang hirang.

Nagsagupa na n~ga ang hukbong dalaua at pinasimulan yaong pagbabaca, man~ga lobong gutom ang siyang capara nang pagpapamooc nang isa at isa. Pagcapalibhasa'y ang man~ga cristiano ay nan~gananalig sa totoong Dios, na pinagtitibay sa canilang loob caya n~ga't ang tapang ay lubos na lubos.

Nang maquita nang princesa guinauá sa casi't, sintá, halos manao ang hininga sa baló'i, tatalóng sadyá. Agád siyang hinauacan ni don Pedrong tampalasan, aanhin mo si don Juan aco'i, narito rin naman. Ang nasoc sa ala-ala nang hindi bitiuan siya, ang lobong aliuan niya caniyang paualán bagá. Quinuha na sa sucbitan at inihulog sa húcay, nguni't, bago binitiuan caniyang pinagbilinan.

Dalaua'i, tali sa paá cagát sa bibig ang isa, saca umalis pagdaca itong lobong encantada. Nagtulóy na capagcuan doon sa ilog nang jordán, nagcataóng nalilibang yaong manga nagbabantay. Isinaloc nanga niya ang daláng tatlóng botella, at lumipád capagdaca ito ngang lobong masiglá. Hinabol na capagcuan niyong tanang nagbabantay, ang lobo'i, napailanláng at di nila inabutan.

Matanto co ito,i, sa malaquíng lumbay gayác na ang puso na mag-patiuacál ay siyáng pagdating ni Minandro namán quinubcób n~g hocbó ang Albaniang bayan. Sa banta co,i, siyang tantóng nacatangáp ng sa iyo,i, aquing padaláng calatas caya,t, n~g dumating sa Albaniang Ciudad, Lobong nagugutom ang cahalintulad.

Salita Ng Araw

maghimagsik

Ang iba ay Naghahanap