United States or Ethiopia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Hinipo na ang catauán at pinag-ayos ang lagay, nacatindig na mahusay itong príncipeng si don Juan. Caya co di ipaquita ang mariquit na hichura, ay hindi dumarating pa ang sa aquin ay cumuha. Ang isa pa haring mahal ang anác mong si don Juan, siya mo pong pamanahan nitong iyong caharian. Nang ito'i, masabi na nitóng ibong encantada, tumahán na nang pagcantá hindi na naringig niya.

Cusang pinag-ayos na pinakarikit at madlang pamuti ang doo'y guinamit, doon nanalan~ging taimtim sa dibdib sa n~galan nang Vírgen matá'y nacatitig. Nang pananagano nang mahal na Reyna sa Dios na Poon at Vírgen María. marami rin n~gang sa caniya'y gumaya na nagsidalan~ging nanicluhod sila.

Ay ano'i, nang matapos na siyam na arao na fiesta, caguluha'i, payapa na nitóng daquilang monarca. Aquing ipagbalic naman sa lobong pinacaualán, nang maquita si don Juan manga lamóg ang catauán. Ang guinaua capagdaca nitong lobong encantada, guinamót pinag-ayos na catauáng caaya-aya. Ano'i, nang gumaling naman at siya nga'i, macagalao, ang lobo'i, nuha pagcuan nang tatlong botellang hirang.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap