United States or Jamaica ? Vote for the TOP Country of the Week !


Humilig nanga't, sumandal doon sa cahoy na mahal, sa malaquing capaguran siya'i, tambing nagulaylay. Ay ano'i, nang tahimic na ang gabí ay lumalim na, siya nangang pagdating na niyong ibong encantada. Dumapo na siyang agad sa cahoy na Piedras Platás, balahibo ay nangulág pinalitán niyang agad. At capagdaca'i, nagcantá itong ibong encantada, ang tinig ay sabihin pa tantong caliga-ligaya.

Ang príncipeng si don Juan inailag ang catauán, hindí siya tinamaan para nang unang nagdaan. Siya nangang pagtúlog na nitong ibong encantada, ang pacpac ay nacabucá dilát ang dalauang matá. Nang sa príncipeng matátap nagtahan nang pagcocoplas, umac-yat na siyang agad sa cahoy na Piedras Platas. Nang caniya ngang maquita ang pacpac ay nacabucá, dilát ang dalauang mata nilapitang capagdaca.

Capagdaca ay naghusay balahibo sa catauan, ang cantá'i, pinag-iinam cauili-uiling paquingan. Naghusay namang mulí pa itong ibong encantada, umulit siyang nagcantá tantong caliga-ligaya. Nang sa príncipeng marinig yaóng matinig na voces, ay doon sa pagca-tindig tila siya'i, maiidlip. Quinuha na capagdaca ang dala niyang navaja, at caniyang hiniua na ang caliuang camay niya.

At di na umuli na humin~gi siya tiniticman lamang batóng encantada, ang nasoc sa loob inaala-ala baca mamalayan nang magulang niya. Sa capan~gilagan na baca malining ang ugaling dati ang guinagaua rin, sa touing tanghaling oras nang pagcain ay ualang pag sala,t, siya ay darating.

Pumucao sa loob at naala-ala baca nagugutom ang magulang niya, humin~gi sa bató niyang encantada dalhan nang cacanin ang amá at iná. Guinanap pagdaca na hindi naliban n~g oras na yaon man~ga cahin~gian, natoua ang loob nang canyang magulang sila,i, may cacanin sa gabi at arao.

Ang sinabi nang medico na ito rao ibong itó, ay may pitóng balahibo na tantong maquiquita mo. At cun ito ay magcantá lubhang caliga-ligaya, ngayo'i, nangasaan bagá, at di niya ipaquita. Hindi pa nga nagcacantá itong ibong encantada, at sapagca nga uala pa ang cumuha sa caniya. Ito'i, aquing pabayaan ang di niya pagsasaysay, at ang aquing pagbalicán ang príncipeng si don Juan.

Saca itong bahay sampong jardin dito malipat n~gayon din sa Españang reino, itayó sa piling nang real palacio maguisnan n~g hari at reinang iná co. Cahilin~gang lahat naganáp pagdaca nang in~gat na bató niyang encantada, maguising ang hari niyong maumaga n~g siya,i, dumun~gao ay naquita niya.

Ang sagót ni Juan aco n~ga amigo sa pag inom lamang nabubuhay aco, magaling pa icao ani Feliciano ualang cagastahan at daig mo aco. Bago,i, hindi gayo,t, ang paraan niya cusang nahiualay sa canyang casama, at sa batóng in~gat niyang encantada doon humihin~gi nang pagcain niya.

At natatanto na n~g magulang niya ang bigas na yao,i, sa anác na dalá, hindi lamang batid nila,t, natataya anác ay mayroong batóng encantada. Ang magcaibiga,i, muling sabihin co sa umaga,t, hapon sila ay paseo, Tamad na si Jua,i, bihasang totoo na ualang trabajo mulang maguing tauo.

Salita Ng Araw

obat

Ang iba ay Naghahanap