United States or Bahrain ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang sinabi nang medico na ito rao ibong itó, ay may pitóng balahibo na tantong maquiquita mo. At cun ito ay magcantá lubhang caliga-ligaya, ngayo'i, nangasaan bagá, at di niya ipaquita. Hindi pa nga nagcacantá itong ibong encantada, at sapagca nga uala pa ang cumuha sa caniya. Ito'i, aquing pabayaan ang di niya pagsasaysay, at ang aquing pagbalicán ang príncipeng si don Juan.

Ay mayroon namang isá na bagong cararating pa, siyang nagpahayag bagá saquit nang bunying alteza. Ang damdam mo haring mahal ay galing sa panaguimpán, sa iyo'i, aquing tuturan ang iyo pong cagamutan. May isang ibong maganda ang pangalan ay Adarna, cun marinig mong magcantá ang saquít mo'i, guiguinhaua.

Ang príncipe ay hindi na nacaringig nang pagcantá, pagtúlog ay sabihin pa himbing na ualang capara. Ang sa ibong ugali na cun matapos na magcantá, ay siyang pag-táe niya at matutulog pagdaca. Sa masamáng capalaran ang príncipe'i, natai-an, ay naguing bató ngang tunay ang catauan niyang mahal. Di anong magágaua pa nang siya'i, maguing bató na, paghihintay sabihin pa nang haring caniyang amá.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap