United States or Bolivia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Humilig nanga't, sumandal doon sa cahoy na mahal, sa malaquing capaguran siya'i, tambing nagulaylay. Ay ano'i, nang tahimic na ang gabí ay lumalim na, siya nangang pagdating na niyong ibong encantada. Dumapo na siyang agad sa cahoy na Piedras Platás, balahibo ay nangulág pinalitán niyang agad. At capagdaca'i, nagcantá itong ibong encantada, ang tinig ay sabihin pa tantong caliga-ligaya.
Cahit anong casapitan ay hindi co tutugutan, na cun anong cabagayán sa cahoy na gaua't, laláng. Ay ano'i, nang lumalim na ang gabí ay tahimic na, doon sa batóng naquita ay nangublí capagdaca. Ay ano'i, caalam-alam sa caniyang paghihintay, siya na nganing pagdatál nang ibong Adarnang mahal. Dumapo na nganing agád sa cahoy na Piedras Platas, at naghusay nangang caguiat balahibong sadyang dilág.