United States or Gibraltar ? Vote for the TOP Country of the Week !


Aco'i, biguian mong tambing nang isang silid na lihim, at doon co tutuparin ang panata cong gagauin. Nang ito ay mapaquingan nitong haring matimtiman, caniyang ipinaayunan sa princesang cahingian. Inilagay nangang tambing sa isang silid na lihim, at doon nga gaganapin ang panata niyang hiling. Si don Diego't, doña Juana iquinasal capagdaca, catuaa'i, sabihin pa boong reino nang Berbania.

Cahit anong casapitan ay hindi co tutugutan, na cun anong cabagayán sa cahoy na gaua't, laláng. Ay ano'i, nang lumalim na ang gabí ay tahimic na, doon sa batóng naquita ay nangublí capagdaca. Ay ano'i, caalam-alam sa caniyang paghihintay, siya na nganing pagdatál nang ibong Adarnang mahal. Dumapo na nganing agád sa cahoy na Piedras Platas, at naghusay nangang caguiat balahibong sadyang dilág.

Sa calamigan nang hangin at tantong caalio-alio, ay agad nang nagupiling itong príncipeng butihin. Ano ay caguinsa-guinsa doon sa pagtulog niya, siya nangang pagdating na mahal na ibong Adarna. At sa tapat ni don Juan sa cahoy na sinilungan, namayagpag at naghusay balahibo sa catauán. At saca siya nagcantá nang tantong caaya-aya, don Juan magbangon na sa tulog mo'i, gumising ca,

Humilig nanga't, sumandal doon sa cahoy na mahal, sa malaquing capaguran siya'i, tambing nagulaylay. Ay ano'i, nang tahimic na ang gabí ay lumalim na, siya nangang pagdating na niyong ibong encantada. Dumapo na siyang agad sa cahoy na Piedras Platás, balahibo ay nangulág pinalitán niyang agad. At capagdaca'i, nagcantá itong ibong encantada, ang tinig ay sabihin pa tantong caliga-ligaya.

Siya nangang pagdampot na sa frasco nitong princesa, at babasaguing talaga sa malaquing galit niya. Dito nanga naramdaman nang príncipeng si don Juan, at naquilala ngang tunay si doña Maríang mahal. Linapitan capagdaca at saca niyacap niya, icao nga ang aquing sinta na iniuan co sa villa. Aco ang may casalanan sucat mong paghinanactan, pagca't, aco'i, nalapitan ni Leonorang timtiman.

Ang príncipeng si don Juan inailag ang catauán, hindí siya tinamaan para nang unang nagdaan. Siya nangang pagtúlog na nitong ibong encantada, ang pacpac ay nacabucá dilát ang dalauang matá. Nang sa príncipeng matátap nagtahan nang pagcocoplas, umac-yat na siyang agad sa cahoy na Piedras Platas. Nang caniya ngang maquita ang pacpac ay nacabucá, dilát ang dalauang mata nilapitang capagdaca.

Si don Jua'i, nanaog na tungo'i, sa caballeriza, sa pagmamadali niya icaualó ang nacuha. Sinubuan nangang tambing nang freno't, sillang magaling, ay siya namang pagdating nitong princesang butihin. Nang ito baga'i, maquita cabayong sasac-yán nilá, nagdala rin nang pangambá ang mariquit na princesa.

Sa príncipeng napagmasdan ang sa ibong cariquitan, icao ngayo'i, pasasaan na di sa aquin nang camay. Ay nang macapaghusay na itong ibong encantada, ay siya nangang pagcantá tantong caliga-ligaya. Sa príncipeng mapaquingan ang voces na sadyang inam, capagdaca'i, nagulay-lay sa caniyang pagcasandal.