United States or Egypt ? Vote for the TOP Country of the Week !
Matanto co ito,i, sa malaquíng lumbay gayác na ang puso na mag-patiuacál ay siyáng pagdating ni Minandro namán quinubcób n~g hocbó ang Albaniang bayan. Sa banta co,i, siyang tantóng nacatangáp ng sa iyo,i, aquing padaláng calatas caya,t, n~g dumating sa Albaniang Ciudad, Lobong nagugutom ang cahalintulad.
Dî pa napapatid itóng pan~gun~gusap si Minandro,i, siyang pagdating sa gúbat dala,i, Ejército,t, si Adolfo,i, hanap naquita,i, catoto ¡laquíng toua,t, galác! Yaong Ejércitong mula sa Etolia ang unang nauica sa gayóng ligaya Viva si Floranteng hari sa Albania Mabuhay mabuhay ang Princesa Laura !"
At ang panihála sa dalá cong hocbó ipinagtiualang iuan cay Minandro; noón di,i, tumulac sa Etoliang Reino, pagsunód sa Hari,t, Albania,i, tinun~go. Nang dumatíng aco,i, gabíng cadilimán pumasoc sa Reinong ualáng agam-agam pagdaca,i, quinubcob ¡laquíng caliluhan! na may tatlóng-pauong libong sandatahán.
Salita Ng Araw