United States or Guinea ? Vote for the TOP Country of the Week !
Datapwa't ang autong iyon ay nagbalik din sa San Marcelino makalipas ang ilang sandali. Si Eduardo nga naman ay walang palad! Nang magdamag na iyon ay halos di na siya naidlip kamuntiman. Sa pagkakita niya kay Leoning ay waring pinagiisip niya na napakahiwaga. Anong paraan nga naman at si Leoning ay naparito sa Maynila na hindi niya sukat akalain?
Hindi kaya siya makalimot pagdating ng ilang araw sa kanyang sinisintang si Eduardo? Hindi na kaya siya mabihag ng ibang binatang naaakit ng kanyang dilag at kagandahan? Ilang mga binata na ang sa kanya ay naguunahang makipagsayaw datapwa't siya ay laging may kapareha. Ang gayon ay isang napakahiwaga.
Leoning, Leonora. Sa pagkarinig na gayon ni Eduardo sa ngalang Leonora ay kanyang nawikang sino kaya ang Leonorang yaon? sino ang Leonorang iyon, baka kaya si Leoning ah? At, mahirap nga naman ang pangyayaring yaon dahilan sa hindi sila magkakilala sa may mga takip ang kanilang mga mukha. Isang napakahiwaga ang gayon para kay Eduardo, baka nga kaya si Leoning?