United States or Timor-Leste ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nagpakamatay siya sapagka't ang pagsusukab na iyon ng kaisangpuso ay hindi na niya nais pang masilayan upang huwag makapagbigay sa kanyang kalooban ng marungis na lusak ng kapalaran. Nagpakamatay siya sapagka't ninais niya ang mangilag sa kataksilang ginawa sa kanyang pagkatao ng kanyang kaisa na ang pagtataksil na iyon ay magbubunga ng kung ano anong masasamang kasiraan sa isang tao.

Nagpakamatay ngayon ang iyong kaisang puso sapagka't nang dahil sa iyong pagsusukab ... At, kung si Eduardo ang naging palad mo, at sa harap na iyan ng maraming kababataan at kasariwaang nangauuhaw sa hamog ng pagibig ay mabighani ang iyong palad at matutong magduyan sa bisig ng iba, ay ano pa rin kaya ang sasapitin ng isang yaong pinaglalaruan mo ng paggiliw?

Ang mga bulaklak ay iniaalay at isinasabog niya sa ibabaw ng libing ni Daniel Perez, ang kanyang asawang nagpakamatay sa sarili nang dahil sa pagsusukab ng asawang ngayon ay siyang dumadalaw sa kanyang libing, nagsisisi at lumuluha. Kaawaawang Leonorang nagluksa sa buhay! At, hindi nga magbabalik ang lahat. Natapos na ang lahat ng kaligayahan sa buhay ni Leonora.

"Kung sakálì man , G. Presidente," ang banayad na sagót ni Gerardo "sakáli man at sinápit silá ng pagkasawî, ang mga kamag-ának niláng maiíwan ay hindi dapat manghináyang ni dapat ipaghinagpís ang kaniláng kamatáyan, sapagka't kagáya ng mga tunay na laláki, sila'y nagpakamatáy sa pagtupád ng katungkúlan! Nábaon man ang mga katawán nilá sa ilalim ng lup

Ang lahat ay nagkaroon ng iba't ibang kurokuro. At, ang kulangpalad na si Daniel ay wala ng naitagal pa kundi ilang araw na lamang. Anim na araw na singkad sa Hospital Heneral at namatay rin siya pagkatapos. Ang asawang sukab, na si Leonora ay walang nagawa kundi ang manggipuspos at magdalamhati ang puso. Namatay at nagpakamatay sa sarili ang kanyang ginagawan ng pagtataksil.

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap