Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 13, 2025
Napuna ko rin sa m~ga nakaraan mong lathala, na tumukoy ka sa m~ga dulang "iilan" ang kanyang m~ga "pesonaje" at sa pagtukoy mong ito ay nabanggit mo ang "Panibugho" ni Pepe Rivera, ang "Dalawang Hangal" ni Moneng Ilagan, at ang "Ana Maria" ni Ñol Binoy Reyes.
Yamang ikaw ang nakikilala kong "revistero" n~g TALIBA sa kanyang pitak n~g m~ga Dulaan, ay minarapat kong sa iyo ibalita ang isang bagong naisip ni Pepe Rivera. N~guni't, bago iyan, ay ibig ko munang tumukoy n~g ilang bagay.
Kung hindi lamang inaakala kong pahahaba ang liham na ito, at may isang gawain akong nakahahadlang sa akin, ay tutukuyin ko sana rito ang lahat n~g nalalaman ko ukol sa m~ga katha ni Pepe Rivera. Gayon pa man, at sa maiikling salita ay tumukoy rin tayo n~g pasapyaw. Napanood mo ang tatlo niyang dulang "Panibugho", "M~ga Bin~ge" at "M~ga pagkakataon," hindi ba?
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap