Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !

Na-update: Mayo 10, 2025


JOSEFO. Cung gayon ay bigyan ng hitso't tabaco ang lahat ng cawal na doo'y dumaló dalhan pa ng alac na na sa sa frasco Jerez, Manzanilla at anis del mono. TIBÓ. Salamat! salamat! KAWAL. Mabuhay! mabuhay! ang ating pañgulo at bunying general!... KALINT. Hayo sumulong na! ang pagsusunuran ang inyong gagauin magpacailan man.

LUSINO. Ng upang mádali caunin ang lahat na na aamulan sa punong bayabas. KALINT. ¡Sulong na!... maglicsi!... haluan ng tacbo. TIBÓ. ¡Cayo'y aquing lisan!... KALINT. Lumacad na cayo!... Sila rin. JOSEFO. Capag na ibañgon ang lahat ng ito may catatagan na ang mga sundalo.

JOSEFO. ¿Nañgasaan cayo? TIBÓ. Cami po'y lincod sa lahat ng bagay na maipag-utos JOSEFO. Ang tactac at punque, pala at barreta ay inyong caunin na magcacasama tuloy na ilaquip ang palihoc at caua ng may paglutuan itong ating tropa. KALINT. Cahimanauari, sa inyong pag sunod sa utos ng puno cayo,i, mga tampoc at ang mga butse'y humiguet sa manoc. Lusino, Kalingtong, Tibó at ang cawal.

JOSEFO. ¿Naglagay ng pinit na sucat lusutan ang hañgin at inet cun baga sumagui ang mga balauis sa maog at cuta at mga belenes? TIBÓ. Opo!... JOSEFO. ¿Mayroon gaano ang capal at taas ng cuta sa may calunuran? TIBÓ. Higui't tatlong vara't ang mga cauayan ay may isang metro ang baon sa hucay. JOSEFO. Cun gayo'y hauanan ang dacong itaas at saca patayin ang maquitang landas.

Caya ang mainam ay mayroong isa sa cahoy na ito na may larga-vista ng upang mamalas at caniyang maquita lahat ng darating na macacabaca. Ang tatanod dito ay cung bababa man ay pahahalili sa isang matapang na di natatacot sa mga asuang diwata at tictic, nuno,t, mangcuculam. LUSINO. Cun gayon catoto iyong ipag-utos sa mga bataang ganap na sumunod. Sila rin, si Tibó at ang cawal.

Salita Ng Araw

untian

Ang iba ay Naghahanap