United States or Ukraine ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa gubat na yao'y nang macalabas na yaong Emperador at casamang tropa, isang daang libo ang natanaw nilang turcong bucod-bucod ang pulutong bagá. At cung caya naman nila natalastas ay may lihim silang taga pagsiyasat, at cung magagaling ang sandatang sangcap nang magaua nila ang lalong marapat.
Sapagca't nang bagong lalacad ang tropa ay si Carlomagno'y nagpahayag muna, nang pakikilaban na gagauin nila nang upang hinahong camtan ang victoria. Dahil sa magandang gagauing paraan man~ga loob nila'y sumigla't tumapang, n~guni at nagdamdam silang cahirapan nang tahakin nila yaong caparan~gan.
Inilacad nan~ga ang canilang tropa at sampon nang Haring Clovis ay casama, tinun~go ang lual nang man~ga cabaca at nan~gag-ayos na ang isa at isa. Makita nang Hari yaong caramihan nang soldado niyang makikipaglaban, at yaong Cristiano ay cacaunti lamang caya't mananalo na inaasahan.
Salita Ng Araw