Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 18, 2025
Subali't sa harap n~g mababan~gis na panukalang ito ay nagsisipanghumindig ang m~ga balahibo ni Elsa. Anhin man niyang tayahi'y kasalanang humihin~gi n~g kabigatbigatang parusa ang pagsasagawa n~g tinurang panukala. At siya ay hindi pa naman nalalabuang gaano upang lumusong sa ban~gin n~g ganyang kabuktutang gawa.
Si Tirso, na nang gabing iyo'y napanibaguhan n~g malaki ni Elsa dahil sa m~ga kilos at pananalitang kung tayahi'y parang nagpapahayag na ang mestisang ito na lamang ang tan~ging naghahari sa kaibuturan n~g puso niya; pagkarinig sa gayong pagbanggit n~g tungkol sa ilaw ay malamyos na bumulong sa kanyang kapiling. ¿Bakit, Elsa, iniino mo pa ang pakawalang ilaw? anya. ¿Nadidimlan ka ba sa piling ko?
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap