United States or Bahamas ? Vote for the TOP Country of the Week !


Eduardo, hindi na, ako si Leoning, hindi na, na dating malaya, hindi na, mangyayaring tawagin pang ako ay dalaga: May asawa na at na sa ibang kandungan na siya kong susundin. Kay pait ng lahat . Oo, Eduardo kay saklap ng lahat nang ito para sa akin! At, wala na nga, hindi na ako dalaga, kundi isang babaing may kabyak na ng puso at hindi na sarili . ¡Ay!

Ang m~ga huling pan~gun~gusap na ito ni Serafina ay parang m~ga palasong tumímo sa puso n~g dalawa; hindi nan~gakakibo at mandin ay nan~gatubigan sa pagkakaupo. Hindi nila inaantabayanang marinig sa asawa ni Mauro ang gayong m~ga pan~gun~gusap; m~ga pangungusap na labis n~g sakláp at paít.

Sa kanyang pagiisa ay madalas na pumapatak na lamang ang masasaklap na butil ng luha luhang tila perlas na dumadaloy sa kanyang mga pisngi. Kay pait ng mga sandaling mangulila sa kasuyuan! Apat na liham na ang kanyang ipinadala kay Eduardo, nguni't kahit isang kasagutan ay di siya nagtatamo man lamang. Nasaan nga naman ang dating paglingap ng ating binata?

Nguni't sa pagiisa ni Eduardo ay kanyang naiisip na matagal pang panahon bago niya masisilayan ang mukha ni Leoning. Iyan ang mapait dilidilihin para sa kanya. Kailan pa niya makikita ang mukha ng kanyang kasintahan? Kailan pa? Kailan pa kaya niya makikita ang kanyang ilaw at buhay? Kailan niya makikita ang titig na mapangakit ng kanyang Leoning? Kay pait nga naman ng ganito!

Salita Ng Araw

maglalasing

Ang iba ay Naghahanap