United States or Monaco ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ayon sa sabi nang bantog na poetang si Ciceron «salamin anyang mapaná-nalaminan n~g pag-uugali» kung ikaw ay talagang pan~git at kung talaga kang ganoon. ¿Bakit ang salamin ang kagagalitan mo? gayon din naman. Kung itong talaga mong gawa: ¿Bakit ang obrang iyo ang kagagalitan, at hindi ang sarili mo?

Alay n~g may kathâ sa sariling bayan, obrang walang tinutukoy kundi lumiwanag ang punô n~g dilím na pinaguulapan, dito'y may Apô-Apôang nanood sa nasabing palabás; ito'y isáng tawong pinakahari n~g kadiliman kaya't ang kanyang pan~galan ay: Agong kadiliman; isáng tawong kalaban n~g liwanag, isang tawong kalaban n~g kanyang pinakikinaban~gan, isang malimit gumahasâ n~g katwiran, hindi matangkad, hindi pandak ay kulang sa sukat: hindi katandâan n~guni't maputî an~g anit n~g ulo.

Marahil isa ka sa nagsulsol sa kay Autor Hito; m~ga ingitero, ang paismid na sabi ni Kadiliman. ¿Bakit? ang patawáng tanong ni Tenteng. Buhay ko ang pinalabás sa Teatro noong ika 2 n~g Mayo, ang sagot ni Kadiliman. ¿Bakit, binangit ka ba? Hindi n~ga ang tugon ni Kadiliman, n~guni't katulad na katulad n~g aking ugali ang asal ni Tio Agong sa obrang Apô-Apô na itinanghal.

Masamang obra iyan, ang pagigíl na sabad ni Agong Kadiliman, anyong pa-alis na hinihimas ang anít niyang tuktok. Hintay ka muna ang paampat na sabi n~g kausap. Hwag mo akong pigilin at ako ang pinatatamaan n~g obrang iyan, ang paan~gíl na sagot ni Kadiliman. Halika ang pabanayad na salita n~g filosopito ; ipalilinaw ko sa iyo ang Teatro , Dulaan diumano, anáng m~ga manánagalog; ang Teatro.

Ano ang napuna mo sa "M~ga Pagkakataon"? Sa "obrang" iyan, ay hindi pangkaraniwang talino ang pinuhunan ni Rivera n~g kanyang sulatin. At, sobre todo ,ay ang pagkakalagay n~g pamagat. Nasabi ko tuloy na "kinasihan yata n~g Santong katutubo si Pepe", sa kanyang "M~ga Pagkakataon", o talagang natama sa mabuting oras .

Kanyang inilarawan n~g ganap na ganap ang konsekuensiang laging ibinubun~ga n~g isang hindi pagkakaunawaan, at tan~gi sa roo'y ginulo niya muna ang isip n~g nanonood, at n~g lito na, ay "pinaglamas" niya ang salitaan, n~guni't, pagkatapos, ay unti unting nagliliwanag hanggang sa niwakasan n~g isang "pagkakataong" hindi inaantay na mangyari na ipinagkapalad ng "isang hindi naghahanap" at "hindi nananadya". N~gayon kung sa dalawang obrang iyan, ay nakuha kong naipakilala sa iyo ang "kadiyaskihan" n~g ating Pepe, ay tignan naman natin ang kanyang walang kamatayang "M~ga Pagkakataon", na habang tumatanda ay lalong nagiging bata at na kahahalina sa puso n~g ating publiko.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap