United States or Lithuania ? Vote for the TOP Country of the Week !


Kung magkaminsan n~ga ay kinakailan~gan din ang pagpapadanak n~g dugo upang maipakilala sa m~ga taksil, ang kasamaang ibinubun~ga n~g kanilang m~ga gawain at ang kahiduwaang pumapatay sa magagandang simulain, sa pamamagitan n~g kanilang m~ga inaasal; datapwa't ang gayon ay ginagawa at nagagawa lamang sang-ayon sa m~ga pagkakataon, at sang-ayon sa uri at hugis n~g sosyalismong umiiral at nalalaman ó kinikilala at pinamamantun~ganan n~g m~ga manggagawang gagamit n~g gayong sandata ... Kayo na ang magsabi. ¿Ano ang kapakinaban~gang mahihintay natin pagkatapos n~g pagpapadanak n~g dugo?

Ang bahaging ito, ay pinagukulan n~g autor n~g ilang "halibas" sa pamamagitan n~g paglalarawan n~g kasamaang ibinubun~ga, lalo pa n~g napapanahon ang m~ga Zigomar at m~ga Fantomas .

Kanyang inilarawan n~g ganap na ganap ang konsekuensiang laging ibinubun~ga n~g isang hindi pagkakaunawaan, at tan~gi sa roo'y ginulo niya muna ang isip n~g nanonood, at n~g lito na, ay "pinaglamas" niya ang salitaan, n~guni't, pagkatapos, ay unti unting nagliliwanag hanggang sa niwakasan n~g isang "pagkakataong" hindi inaantay na mangyari na ipinagkapalad ng "isang hindi naghahanap" at "hindi nananadya". N~gayon kung sa dalawang obrang iyan, ay nakuha kong naipakilala sa iyo ang "kadiyaskihan" n~g ating Pepe, ay tignan naman natin ang kanyang walang kamatayang "M~ga Pagkakataon", na habang tumatanda ay lalong nagiging bata at na kahahalina sa puso n~g ating publiko.

Salita Ng Araw

maglalasing

Ang iba ay Naghahanap