Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 22, 2025
Ang uica nang haring mahal don Juan quita'i, magpasial, ating panoorin lamang sa castillong pagcalagay. Yáo nanga't, lumacad na nagpasial silang dalauá, sinino na capagdaca nang naroong centinela. Ang sagót bagá at saysay aco aniya'i, si don Juan, anang de la guardia naman emperador nating mahal. Dito na ngani nagtaca ang haring Salermo bagá, at ang nacacentinela coroneles na lahat na.
Anang ermitaño naman sa inyong pag-liliparan, di ninyó natatausán ang reino nang de los Cristal. Ang sagót ngani nang lahat hindi namin natatatap, at malayong di hamac yaong cristalinong ciudad. Umuling nag-uica siya cung husto silang lahat na, ay nagbilang capagdaca uala ang ibong aguila. Ay ano'i, caguin-guinsa sa pag-uusapan nila, siya nangang pagdating na nang ibong haring águila.
Ang uinica ni don Juan yao'i, masamáng maiuan, aquin ngang pagbabalicán at aco'i, nahihinayang. Sa hindi ngani mapiguil itong príncipeng butihin, ay nagtali nangang tambing lumusong na magtuloy rin. Nang mayroong sampóng dipá ang lúbid na nahugos na, ay pinatíd capagdaca ni don Pedrong palamara. Di anong casasapitan sa gayong lalim na hucay, gauang capanganyayaan capatid na tampalasan.
Huag cang matulog naman at aco'i, iyong abangan, cunin mo sa aquing camáy ang singsing cong ililitao. Tinadtad na ngani niya itong si doña María, sa tubig inihulog na naguing isang isda siya. Sa calaunang di hamac sa ilalim ay paghanap, ay nacatulog na agad itong príncipeng marilag. Nang ang singsing ay macuha naguing tauo ang princesa, daliri'i, inalitao na si don Juan ang cucuha.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap