United States or Mexico ? Vote for the TOP Country of the Week !


Si Juancho'y biglang napaurong ng mamalas ang tindig ng nangangalit na si Gerardo. "Ha? Gerardo?" ang kanyang pamanghang tanóng. "Diyata't si Gerardo ka? Diyata't buháy ka pa?" Inaunat ni Gerardo ang kanang kamay na may pigil na isang patalim at nanginginig na nangusap: "Taksil, anó ang ginawâ mo kay Elena?... Sumagot kaagad ó ikaw ay mamámatay!"

Pagdaka'y bumalik si Semel sa simbahan at tinungo ang tao. Pagkalapit ay minasdang maigi. Ang taong yaon ay bata pa at may mabuting katawan. Wala namang anumang bugbog na nababakat sa kanyang katawang hubad, nguni't nanginginig sa ginaw at parang nagulat. Sa pagkasandal sa pader ay hindi tumitingin kay Semel; sa pagkahiya mandin ay hindi man lamang maidilat ang mga mata.

Diyáta't hindî man lang kumisáp, diyata't ang ulo'y hindî inayukô? Ano't ang anyô ng "ulol" na itó ay animo'y nanghahamón, animo'y nagtatawá, nangungutyâ? Bakit at ang mga kamáy ay hindî nakahalukipkíp, bakit hindi namumutlâ, bakit hindi nanginginíg gayóng nasa haráp niyá niyá, ni Kápitang Memò?...

Paanong kakandilihin ko sa ginaw ng taginaw ang mga nanginginig na sangkap namin ng katawan? At inisip kong: Ako'y namamatay sa ginaw at gutom at naito na dumaraan ang taong ito na ang iniisip lamang ay ang kanyang kailangan at di matutuhan ang ako'y saklolohan. Nakita ako ng nagdaraan, nagkunot ng noo, nag-anyong marahas at nagpatuloy ng paglakad ... Nawalan ako ng pag-asa.

Ang banáyad nguni't matitinding pangungusap ng pangulo, ang nanginginig niyáng bóses, ang kanyang nagbabagang paningin, ay nagpayukô sa lahat. Ni si Juancho, ni si Choy, ni ang naka-itim ay walâng naihumá. Naghaharì sa boóng báhay ang piping katahimikan. Nakaraan ang limang minuto; walâ pa ring sagót. Walang kamalák-malák ay nangagtilian ang mga babáe. "Demónyo! Tatay ko! Demónyo! Nanay ko!

Nagtindíg ang isáng lalaking namumutlâ at nanginginig at nagtagò sa isáng confesionario. Siya'y isáng maglalacò n~g álac na nag-aagaw-tulog at nananag-inip na hinihin~gan siyá n~g m~ga caribinero n~g "patente" na hindî niyá taglay. Hindî na raw siyá umalís sa canyáng pinagtaguan hanggang sa hindî natapos ang sermón.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap