United States or Iran ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang banáyad nguni't matitinding pangungusap ng pangulo, ang nanginginig niyáng bóses, ang kanyang nagbabagang paningin, ay nagpayukô sa lahat. Ni si Juancho, ni si Choy, ni ang naka-itim ay walâng naihumá. Naghaharì sa boóng báhay ang piping katahimikan. Nakaraan ang limang minuto; walâ pa ring sagót. Walang kamalák-malák ay nangagtilian ang mga babáe. "Demónyo! Tatay ko! Demónyo! Nanay ko!