Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 31, 2025
Sa loob nang ilang oras ang man~ga bulutong ay napupuno uli nang nana, cailan~gang hiuaing uli; cun minsan hangang sa macaanim hinihiua. Itong gauang ito,i, nacauauala nang malaquing pan~ganib nang buhay nang binubulutong, sapagca inaalis ang pamamaga pati nang nana.
Cun nahiua na ang sibol ay napupuno nang nana ang bibig, at caya ang maysaquit ay magmumumog nang bilin sa número 19. Cun minsan ang sibol ay dalaua.
Cun minsan hindi lamang mayroong nana roon sa sibol na naquiquita, cundi sa ibang lugar nang lalamunan na hindi na-aalaman, caya ang maysaquit anaqui magaling na, at ang lagnat ay munti at naca-catulog siya,t, nacacalunoc; datapoua,t, hindi nauauala ang saquit nang bibig; pinan~gin~gilabutan siya nang guinao, ang dila,i, bungmibigat at cungmacapal sa caniyang damdam.
Cun ang sibol sa loob ungmaabot hangan sa ibabao nang baga, at bucod dito hindi lubhang malalim, cun pumutoc ay nabububo ang nana sa loob nang dibdib sa pag-itan nang baga at tad-yang; itong pagca putoc ay mahirap, cun ang sibol ay malaqui, sapagca biglang lalabas ang maraming nana, at namamatay tambing ang maysaquit.
Cun baga lungmulubha pa ang maysaquit ay namamaga,t, nabubuloc ang bituca, at ang iniilaguin niya ay nana, ó man~ga maitim na tubig, at mabaho; saca nagsisin-oc, nasisira ang bait, ang pulso,i, hungmihina, pinapauisan ang maysaquit nang malimit,sinusubaan at namamatay; datapoua cun hindi lulubha ang maysaquit, ay hungmihina-hina ang pag-iilaguin, ang dugo ay nauauala, lungmalacas-lacas ang may catauan at nacacatulog.
Nang houag sibulan sa mata ang maysaquit nang man~ga cun anoano, ay mag-in~gat siya sa pagcain nang marami, pati sa carne at alac; cun gayon pag nauala ang bulutong, ay hindi siya sisibulan nang anoman sa mata. Cun ang bulutong ay maputi na,t, puno nang nana, ay malaquing galing sa maysaquit ang hiuain nang dulo nang gunting ó carayom man isa nang isa, at palabasin ang nana.
Cun ang nana,i, napapabobo sa loob nang bituca, ay lungmalabas na casama n~g inailaguin, at ang maysaquit ay dungmoroual na parati; ang maigui doo,i, painumin lamang nang gatas na inalsan nang pinaca taba muna, bago samahan n~g isang sa icatlong bahaguing tubig; touing icatlong arao, ay sumpitin nang gatas na tinubigan, na may casamang pulot na caunti.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap