United States or Christmas Island ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang sila ay dumating na doon sa labas nang villa, ay nangusap capagdaca si don Juang casi't, sinta. Dito ay quita'i, iiuan icao'i, huag malulumbay, sa pagca't, tantong mahalay pumasoc na gayon lamang. Isinagót nang princesa ó don Juang aquing sintá, ay di maliligalig pa ang mahal mong haring amá. Sagót nang príncipe't, saysay totoo sintá co't, búhay sa iyo nama'i, mahalay di salubungin sa daan.
Tinauag na si don Juan doon sa porterong bahay, siya nama'i, di sumuay naparoon capagcuan. Anitong hari at saysay ngayon ay iyong paquingan, at sa aquing cautusán sundin mo't, huag maliban. Aco'i, may isang cabayo ay mailáp na totoo, hindi pa sinasac-yan co sa umaga'i, mansohín mo. Cunin sa caballeriza doon natatali siya, sampú nang freno at silla naroon ding para-para.
Salita Ng Araw