United States or Turks and Caicos Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ó tunay na ulirán nang pagsunod sa man~ga utos nang Dios, malualhating San Josef, na pagtuló nang Mahal na dugó nang sangol na Mananacop, niyong siya ay sugatan sa arao nang circuncision, icaualo nang pan~gan~ganac sa caniya, ay lubhang nahapis ang iyong puso, at agad namang naligaya sa catamistamisang n~galang Jesús, na itinauag mo sa caniya.

Nalumbay si María, at nabalisa at nahapis si Josef, sa hindi maisip cun ano ang dahilan nang pagcauala ni Jesus, at cun ano ang nangyayari; datapua hindi dumaing, at hindi nasirá ang loob niya, at malaquing ligaya ang quinamtan sa icatlong arao nang pag lalacad casama si María, sapagcat naquita nila sa templo si Jesús, na nacaupô, at naquiquipagsagutan sa man~ga pantas, na nagpulong doon, at lubhang nagtataca sa mataas na carunun~gan nang batang caharap.

Napasalamat sa Dios si Josef, sapagcat natapus ang panahon nang pagtahan sa Egipto, at gaano man ang hirap, ay lumacad na siya, casama si Jesus at si María; datapua nahapis ang caniyang pusó, pagdating sa Judea, at ang dinatnang Hari ay si Arquelao, anac nang lilong si Herodes, at hindi siya tumahimic at naligaya, hangan sa pinagsabihan nang Angel na si Jesus at si María ay dalhin niya sa Galilea, at doon sila tumahan sa Nazaret.

Ó lubhang main~gat na Guardian malualhating San Josef na nag alagá at nagpacain sa Anac nang Dios, na nagcatauan tauo, at nahapis n~ga ang iyong pusó, niyong icao ay buman~gon nang hating gabi, sapagcat inutos n~g Dios na si Jesús at si María, ay dalhin mo at itago sa Egipto; dahilan sa pag usig ni Herodes, at malaqui naman ang iyong ligaya, niyong icao ay pumasoc sa Egipto, at naquita mong nabual at nasirá sa harap ni Jesús ang man~ga ídolos, na sinasamba nang man~ga egipcios.