United States or Somalia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa man~ga caloloua sa Purgatorio, na lalong umibig cay San Josef. Pagninilay sa unang Domingo. Si María at si Josef sa tapat na pagmamahal, at pananatili sa calinisan n~g pagca Virgen, ay parang dalauang Angeles na nabuhay sa munting bahay, na tinahanan nila sa Nazaret.

Napasalamat sa Dios si Josef, sapagcat natapus ang panahon nang pagtahan sa Egipto, at gaano man ang hirap, ay lumacad na siya, casama si Jesus at si María; datapua nahapis ang caniyang pusó, pagdating sa Judea, at ang dinatnang Hari ay si Arquelao, anac nang lilong si Herodes, at hindi siya tumahimic at naligaya, hangan sa pinagsabihan nang Angel na si Jesus at si María ay dalhin niya sa Galilea, at doon sila tumahan sa Nazaret.

At natuá naman si Josef sa Egipto, sa paquiquinig nang man~ga unang pan~gun~gusap nang Niño: Jesús, na lubhang guiniguilio nang Vírgeng Ina, at siya ay tinatauag na Ama, iguinagalang at minamahal, inaalio at parating pinagpapaquitaan nang loob. Sa capurihan nang sáquit at ligaya ni San Josef, niyong siya umuí ay sa Nazaret, galing sa Egipto pagcamatay ni Herodes.

Ama namin, Aba, Guinoong Maria, at Gloria Patri. Ó masintahing Patriarca, malualhating San Joséf, na naquita mo ang pagcamasunurin sa iyo ni Jesus, Hari nang Lan~git, at icao ay lubhang nabalisa, pangagaling mo sa Egipto, sapagcat humalili sa malupit na Haring Herodes ang anac niyang si Arquelao, at nagcamit ca nang ligaya, niyong sabihin sa iyo nang Angel na icao ay umuî sa Galilea, at mamayang tahimic sa Nazaret, casama si Jesús at si Maria.