United States or Timor-Leste ? Vote for the TOP Country of the Week !


«¡Ama ko! ¡ama koang saad ni Tuning, «¡kay inam n~ga pala n~g inisip natin! salamat Diyos ko at ang mayayamang ninibig sa akin ay hindi natalos ang nangyaring lihim ...» «¡Talaga! ¡talaga» ang sa amang tugon, «daig ang nagtiyap n~g pagkakataon, ¿at aling pan~gahas dilang sinun~galing magsasabi n~gayong ikaw ay naglaho sa tangkay kahapon?

Hanggang hukay na ngayon ay hindi pa dumarating ang tadhana ay naglaho agad na parang nilamon ng ulap. Leoning, nahan ang puso mo kung gayon? Nahan ang puso mong datidati ay may paglingap? Nahan ngayon ang dating mabini mong kilos, ang iyong kayumiang taglay kahapon? Leoning, nahan ang puso mong noong una ay mabait at tapat?

Pagdaka kay Tuning, pumulas ang luha, mukha ay naglaho, nagapos ang dila; si Ruperto nama'y di rin nakakibo at napipi rin n~ga at ang kain~gaya'y biglang namayapa. N~guni't ang matandang ama n~g babai ay naglakas loob at ipinagsabi: «¿Ano po ang dala at isang larawan n~g batang lalaki na siyang sa lahat ay nakapipipi

Si Eduardo ay wala na, wala na nga siyang magandang pagasang papangarapin. Naglaho na sa kanya, lumubog na ang maningning na araw na may dalang kapalaran. Dahil sa sumpa mong nilimot, si Eduardo ay nangungulila, nalulungkot at untiunting nawawalan ng sigla at waring nagtutumuling lumulubog ang pagasa. Si Eduardo ay isang sawi, isang walang pagasa, walang aliw, walang lugod sa buhay.

Wala, wala na, nauwi na lamang sa pangarap ang kanyang maligayang kahapon. Oo, ang lahat ay parang maitim na lamang na ulap para sa kanyang palad. Naglaho na ang kanyang langit, naglaho na si Leoning at nilimot ang sumpa. Naglahong lahat! Oo, naglaho ng lahat, at wala ng kapagapagasang pamuli pang manumbalik ang kanilang masayang kahapon.

Salita Ng Araw

babayaan

Ang iba ay Naghahanap