United States or Armenia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Mapait sa puso't, dibdib iyang gayác mo't, pag-alís, hininga co'i, mapapatid cun icao'i, di co masilip. Isinagót ni don Juan ó haring aquing magulang, sa loob co po'i, masucal mamasdan quitang may damdam. Cundi mo pahintulutan ang aquing pagpapaalam, ay di mo mamamalayan ang pag-alis co't, pagpanao. Sa uinicang ito naman ang hari ay natiguilan, at segurong magtatanan ang príncipeng si don Juan.

Balang isang cantá naman ang catauan mo'i, sugatan, at sa dayap iyong pigán nang di mo macatulugan. At cun ito'i, matapos na nang macapitóng pagcantá, ay siyang pagtáe niya don Juan ay umilag ca. Capag icao'i, tinamaan nang táe nang ibong hirang, maguiguing bató cang tunay doon ca na mamamatáy. Naito'i, cunin mo naman ang cintas na guintong lantay, pagca-hauac ay talian at gapusin mong matibay.

Nang sila ay dumating na doon sa labas nang villa, ay nangusap capagdaca si don Juang casi't, sinta. Dito ay quita'i, iiuan icao'i, huag malulumbay, sa pagca't, tantong mahalay pumasoc na gayon lamang. Isinagót nang princesa ó don Juang aquing sintá, ay di maliligalig pa ang mahal mong haring amá. Sagót nang príncipe't, saysay totoo sintá co't, búhay sa iyo nama'i, mahalay di salubungin sa daan.

Cun icao'i, dumating diyan sa reinong paroroonan, tunay na icao'i, iiuan sa labás nang caharian. Icao naua'i, malimutan nang príncipeng si don Juan, at icao ay pabayaan sa iba siya pacasal. Sa masamang capalaran itong hari'i, nagcadamdam, sa dalamhati at lumbay ay siyang iquinamatáy. Ito'i, lisanin co muna ang namatáy ay anhin pa, ang aquing ipagbabadyá si don Juan at princesa.

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap