United States or French Polynesia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Hindi itinátanggui ni capitán Tiago ang cababalaghán, n~guni't idinúrugtong: Pinaniniwalaan co, Isabel, datapuwa't marahil ay hindi guinawáng mag-isa n~g Virgen sa Antipolo; marahil siyá'y tinulun~gan n~g aking m~ga caibigan, n~g aking mamanugan~gin, ni guinoong Linares, na nalalaman mo nang binibirò pati ni guinoong Antonio Cánovas, iyón bagáng nacalagáy ang larawan sa «Ilustración», iyóng aayaw papaguingdapating ipakita sa m~ga tao cung di ang cabiyác lamang n~g canyáng mukhâ.

Malungcót at puspós n~g pan~gamba ang mahihiing si Linares; bagong catatanggáp niya n~g sulat ni doña Victorina, na ganitó ang sabi: «Minamahal cong pinsan; ibig cong magcaroon n~g balita sa iyo sa loob n~g tatlóng araw, cung pinatáy ca na n~g alperes ó icaw ang pumatáy sa canyá ayaw acong lumampás ang isá man lamang araw na hindi tumátanggap pa ang hayop na iyán n~g ucol na parusa sacali't lumampás ang taning na iyán at hindi mo pa siyá hinahamon n~g patayan sasabihin co cay Don Santiago na cailán man ay hindi ca naguiguing secretario, ni hindi ca nacapagbibiro cay Canovas ni hindi ca nacacasama sa pagliliwaliw n~g general Arseño Martines sasabihin co cay Clarita na pawang casinun~galin~gang lahát at hindi catá bibigyan cahi't isáng cuarta n~guni at cung hamunin mo siya ipinan~gan~gaco co sa iyo ang bawa't iyong maibigan caya n~ga tingnan mo cung hamunin mo siyá at ipinagbibigay alam co sa iyo na hindi acó papayag n~g m~ga pagtalilis at m~ga dahidahilan.

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap