Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 18, 2025
N~g Pagsaulan na n~g hinin~ga si Kadiliman. Si Kadiliman; ay nakahimpil sa isang sulok n~g kanyang bahay at na tatanikalaan, dahil sa nananakit, pagka't na wala sa lugal ang tornillo n~g isip, sa makatwid ay na ulól, sa m~ga oras na ito'y pinaglalaroan n~g m~ga demonio, ang sabi ni Lucifer na hari sa infierno'y ganito: ¡Kadiliman! magbawa ka na n~g iyong ugali; sa tuina't ibubulong ito ni Lucifer sa kay Kadiliman; kinakagát ni Kadiliman ang tanikalang nakatali sa paa't kamay, bubulun~gang naman n~g isang kalulua't ganito ang sasabihin: ¡Kadiliman! ¡Kadiliman! huag mong sisirain ang ibinayad ko n~g ako'y bago ilibing; sa dahilang ang Kadiliman nating ito, ay may ugaling sumin~gil sa kanyang m~ga kasapi bago ipalibing kung sakaling mamatay.
Samantalang si Kadiliman ay pinaghihilahanan at binubulun~gan n~g m~ga demonio't kalulwa; ay nanduduling ang dalawang mata't ibig man~gagat, pasag doon paság dito na parang León ni Charini at saka sisigaw nang: n~gayo't ako'y nang-uulol sa aking kababayan naiingit kayo sa akin, bubulun~gan naman n~g kalulwa n~g isang frayle at ganito ang ibinubulong kay Kadiliman; ¡mal agradecido! ¿Hindi ba ikaw ang nagpasasa sa aking káyamanan? ¿Bakit ako pa ang iyong mamasamain? ¡Mal agradecido! sapagka't si Kadiliman ay manugang nitong Frayleng nagdurusa sa infierno ang kalulwa, dahil sa m~ga kayamanang yaon na pinakikinaban~gan ni Kadiliman, n~guni't si Kadiliman ay madalás magalit sa frayle noong hindi pa nau-ulol, at talaga n~ga namang masama ang m~ga ginawa n~g frayleng itó noong siya'y nabubuhay, ito'y hindi kaila sa madla. ¿Bakit ga ibig mong tularan Kadiliman?
Ang Pagkikita ní Tenteng Kamagong at Bakokoy. Komparé! ang patawang bati ni Tenteng Kamagong kay Bakokoy. Mahal na Kamagong binabati kita n~g boong galang, tumun~go si Bakokoy na umiimbol ang tiyan, ¿Saan ang tun~go n~g kompare ko? Sa bahay n~g ating Apô-Apông si Kadiliman ang tugón ni Tenteng Ako man kompare ang lantak ni Bakokoy Bubulun~gan kita kompare; ang batikos ni Tenteng.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap