United States or Paraguay ? Vote for the TOP Country of the Week !


Tila ako ang sagót ni Bakokoy. Hindi lamang tila, kundi ikaw na n~ga; sa dahilang kung walang consentidor walang magnanakaw, ito ang kasabihan n~g m~ga matatanda, hindi ko salita ito, ang pabalík na wika ni Kamagong.

Hwag kang mang-ulol sa kababayan mo, liwanagin mo sa iyong m~ga kasáma ang bagay na nasaiyo, n~g matapós masabi n~g kalulwa ang bagay na ito, napabalikwas si Agong Kadiliman ang isa pa'y umaga na; nagbihis na madaling madali at tinun~go ang bahay nila Bakokoy, ¡Ang pakikipagkita ni Kadiliman sa canyang m~ga casama! Kung ano ang Teatro at pagkikita ni Tengteng Kamagong at Agong Kadiliman.

Ang Pagkikita Tenteng Kamagong at Bakokoy. Komparé! ang patawang bati ni Tenteng Kamagong kay Bakokoy. Mahal na Kamagong binabati kita n~g boong galang, tumun~go si Bakokoy na umiimbol ang tiyan, ¿Saan ang tun~go n~g kompare ko? Sa bahay n~g ating Apô-Apông si Kadiliman ang tugón ni Tenteng Ako man kompare ang lantak ni Bakokoy Bubulun~gan kita kompare; ang batikos ni Tenteng.

Mangyari, ang sagot ni Kamagong, walang makatatangap n~g cargo mong iyon. ¿At bakit? ang sagot ni Kadiliman, na waring nagmamalaki. Sinong ulol ang tatangap n~g tatlong cargo, sa isang kapisanan?

Bien katoto: Ang pabiglá din namang sagót ni Tenteng, n~guni't ... ¿Sino sa inyong dalawa nang salamin ang may kasalanan, ikaw ba ó ang salaming napalaminan n~g iyong pan~git na pag-uugali? Walâ kaming kasalanan kapwa, ang tugon ni Kadiliman. Humalakhak n~g tawa si Tenteng; sa bibig kita nahuli ang pasigaw na sabi in Tenteng, Kamagong; e ... ¿Bakit mo kinagalitan si Hito?

Hindi ko maintindihan ang sinabi mo ang paismíd na sabi ni Bakokoy Tuligsain mo ang lantak ni Kamagong: N~g panahon n~g tinalikdang kastila ang Frayle ang hari-harian at m~ga fiscalillo ang Apó-Apó. Bien : ang batikos ni Bakokoy, nagulat si Tenteng Kamagong na nasabi tuloy na: Ahá ¿Biglá mo akong kinastila, ?

Si Kadiliman ay nakahampilas sa isáng Bar at waring malainibay, siyang pagdaan ni Tenteng Kamagong na nakabastipol tinawag ni Kadiliman at ganito ang bati. Halika n~ga Kamagong. ¿Ano ba Kadiliman tila nagdidilim ang pan~ganorin mo, ha? Hindi katalasan lamang ang pakli ni Kadiliman. ¿Bakit ba umalis ka't di mo tinapos ang pagdidimite ko n~g cargo?