United States or Macao ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang mga ilaw ay muling nangulimlim. Sa maputing kayong nakatatakip sa tanghalan ng dulaan ay itinanyag ang sumusunod sa pelikulang; "Vivir para amar"; nguni't natapos ng hindi ko nawatasan sapagka't hindi nawalay sa aking isipan na may kapiling kang lalaki sa inyong palko. ¿Sino kayang lalaki iyaon? ang tanong ko sa sarili ¿Kanya kayang asawa? ¿kanya kayang katipan ó isang kaibigan lamang?
Ako'y napatigil at naibulong ko sa sarili ang ganito: "VIVIR PARA AMAR" ¿Mabuhay upang umibig? ¡Oh ...! Panonoorin ko ang pelikulang ito at baka nakakamukha ng malungkot kong kabuhayan sa pag-ibig. At dalidali akong pumasok sa dulang Zorrilla; nguni't pag-upo kong pag-upo sa aking luklukan ay siya namang pagka-tapos pelikulang "VIVIR PARA AMAR". Ang mga ilaw ay nagliwanag.
At isang gabing ako'y naglalakad sa daang Azcarraga ay nabasa ko sa isang anunsiyong naka-dikit sa pader na tinatamaan ng liwanag ng ilaw sa lansangan, na ang pelikulang VIVIR PARA AMAR ay itatanghal sa Dulaang Zorrilla.
Salita Ng Araw