United States or Guyana ? Vote for the TOP Country of the Week !


At linurhan ang alférez upang ito'y lalong magn~gitn~git. Pinagdimlan ang lalaki at umaatun~gal na hinandulong ang babae; n~guni't hinaplit nito n~g caguilaguilalas na caliksihan ang mukha n~g lalaki at saca sumagasang tumacbong tuloytuloy sa canyang silid, at biglang sinarhan n~g malacas ang pinto.

Hindi niya pinansin ang sino man, tuloytuloy siya sa higaan n~g may sakit, at saca niya hinawacan ang camay nito: ¡Maria! ang canyang sinabi n~g hindi maulatang pag-irog, at bumalong sa canyang m~ga mata ang m~ga luha; ¡Maria, anac co, hindi ca mamamatay! Binucsan ni Maria ang canyang m~ga mata at tiningnan siya n~g tanging pagtataca.

Tuloytuloy agad na wala nang maraming lingonglikod pa. Kaya nang matiyak ni Daniel ang pintuang pinasukan ng kanyang asawa ay malayolayo pa ay ipinahinto na niya ang sasakyan at siya ay lumapag agad. Nilakad na lamang niya ng kaunting pagitan ng kanyang inibisan at saka ang tahanang pinanhikan ng taksil na asawa. Ano nga naman ang tahanang yaon?

Tuloytuloy n~ga silang nasok sa silid na kinararatayan n~g makatang si Tirso, at ito ay dinatnan nilang sa malas ay payapang nahihimbing. Napuna ni Elsa na ang manang, matapos anianinawin ang mukhang bahagyang nakalitaw sa nakapabalibid na m~ga taling kayo sa ulo n~g natutulog, ay lihim na kumalabit sa kamay ni donya Basilia, at mandi'y itinanong kung sino ang maysakit na iyon.