United States or Malta ? Vote for the TOP Country of the Week !


Poon n~g pag-irog huag maguing sawí ang hibik n~g pusong na sa sa pighatí sapagka't ang sinta'y walang hinihin~gi kundí ang li~ngap mong ilulualhati. Kaya huag mo po sanang ipagkait ang lunas na awa sa aking pag-ibig kung nasasadhán man ang pinto n~g dibdib buksi't salubun~gin n~g iyong tangkilik.

Masasamâng tao ó malapit n~g magsisamâ; n~guni't ¿anó ang dahil at sila'y m~ga gayon? Dahil sa linigalig ang canilang catahimican, dahil sa sinugatan sila sa lalong canilang m~ga pinacamamahal, at n~g sila'y humin~ging tangkilik sa Justicia, lubos nilang napagkilalang wala silang maaasahan cung di ang canilang sariling lacás.

Datapuwa't nagcacamali po cayo, guinoó, cung ang isip ninyo'y ang masasamang tao lamang ang siyang humihin~gi n~g tangkilik sa Justicia; pumaroon cayo sa bawa't bayan, sa baháy baháy; uliniguin po ninyo ang m~ga buntong hinin~gang lihim n~g m~ga magcacasambahay, at maniniwala cayong ang m~ga casamaang linilipol n~g Guardia Civil ay casing lakí rin ó marahil ay maliit pa sa m~ga casamaang sa tuwi na'y canyang guinagawa.

¡Ang capanatagan n~g m~ga bayan! ang biglang sinabí ni Elías n~g boong capaitan. Hindî malaho't darating sa icalabinglimang taón mula n~g magca Guardia Civil ang m~ga bayang ito, at tingnan po ninyo: hangga n~gayó'y mayroon pa tayong m~ga tulisan, naririn~gig pa nating nilolooban ang m~ga bayan, nanghaharang pa sa m~ga daan; patuloy ang m~ga pan~gan~gagaw at pagnanacaw, na hindi napagsisiyasat cung sinosino ang m~ga gumagawa n~g gayon; nananatili ang m~ga casam-ang gawa, n~guni't lumalaya ang tunay na masamang tao, datapuwa't hindi gayon ang tahimik na mamamayan. Ipagtanong po ninyo sa bawa't mabuting táong namamayan cung canyang minamagaling ang Guardia Civil cung ipinalalagay niyang ito'y iisang tangkilik n~g pamahalaan, at hindi isang caloob na pilit, isang pamahalaang calupitang ang m~ga napapacalabis na m~ga gawa'y nacapagpapahirap pa n~g higuit cay sa m~ga catampalasanan n~g m~ga masasasamang tao. Tunay na n~ga't ang m~ga catampalasanang ito'y lubhang malalaki, n~guni't bihibihira lamang, at sa lahat n~g m~ga catampalasanang iya'y may capahintulitan ang sino mang macapagsanggalang; datapuwa't laban sa m~ga capaslan~gang gawa n~g m~ga Guardia Civil ay hindi itinutulot cahi't ang pagtutol man lamang, at cung hindi man sacali totoong malalaki n~guni't ang capalit nama'y sa tuwi-tuwi na at may capahintulutan ang m~ga pinuno. ¿Ano ang naguiguing bun~ga n~g Guardia Civil sa pamumuhay n~g ating m~ga bayan? Pinatitiguil ang pakikipanayam n~g bayan sa capuwa bayan, sa pagca't natatacot ang lahat na sila'y mapahirapan

Salita Ng Araw

kumilos

Ang iba ay Naghahanap