United States or South Africa ? Vote for the TOP Country of the Week !


Aking hinahanap anang matanda ang panig na aking tinutuklasan n~g pampawing uhaw. Sa tuwing hapon ang dugtong kung sumasapit ang ikatlong oras ay pinagkakalooban ako n~g Makapangyarihan na makásimsím n~g pampawing uhaw. At saan ka naman kukuha n~g maiinóm sa kadawagang ito, na kinaigahan n~g tubig at kinaitan n~g kanyang balong?

Kung sakaling malaki ang bigay-kayang ipinagkaloob n~g lalaki ay pinagkakalooban naman n~g biyanang kaniya ang anak n~g tinatawag na pasunod , na dili iba't isang kuintas na ginto ó dalawa kayang alipin; at ani Colin ay isinasauli ang boong bigay-kayang ipinagkaloob kung maging masunurin ang manugang, at kung hindi ay binabahagi sa m~ga dapat magmana; datapuwa't ani Delgado, ay patanaw-tao lamang na ipinamamalas sa m~ga nagsidalo, dahil sa ang m~ga yao'y hiram na isinasauli pagkatapos.

Kung ang sino mang lalaki ay nagkaanak sa tunay na asawa at nagkáanák pa sa alipin ay hindi nagmamana ang sa alipin; n~guni't ang aliping naanakan ay pinapagiging-laya at ang anák ay pinagkakalooban n~g miski ano, na kung maginoo halimbawa ang lalaki, ay isang putol na ginto ó isang alipin kaya. M~ga anák sa asawa at m~ga anák sa babaeng kinakasama lamang.

Kung ang sino man ay walang anák sa tunay na asawa, kungdi sa babaeng kinasama lamang ay nan~gagmamanang lahat ang m~ga anák at kung sakaling may anák sa alipin ay pinagkakalooban lamang n~g ayon sa nabangit sa dakong una.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap