United States or Yemen ? Vote for the TOP Country of the Week !


M~ga azúl daw ang canilang m~ga mata at ang canilang m~ga buhóc; na sila'y may m~ga pútong na coronang halaman sa tubig na may m~ga bulaclac na mapuputi't mapupula; manacanacâ raw ipinamamalas n~g m~ga bulâ ang canilang parang linalic na catawang higuit sa bulâ ang caputian at cung ganap n~g gabi'y canilang pinasisimulaan ang canilang m~ga calugodlugod na paglalarô, at canilang ipinarírinig ang m~ga tinig na talinghagang tulad sa m~ga arpa sa lan~git; sa bihanan din namang ...; n~guni't pagbalican natin ang ating m~ga kinabataan pakinggan natin ang wacas n~g canilang salitaan.

Dalawang mesedorang magkaagapay na anaki'y tinatanuran n~g isang nakapatun~gong salamin ang napili nilang pagtigisahan. At pagkahilig sa tinurang likmuan ay si Elsa ang unang nagbukas n~g pananalita. ¡Pinapagtataka mo akong lubha sa m~ga kilos na iyong ipinamamalas sa akin! ang wika. Natatalastas kong ikaw ay makata, isang lalaking anak sa tulaan at marahil ay magpapakatapos sa m~ga tulain.

Kung sakaling malaki ang bigay-kayang ipinagkaloob n~g lalaki ay pinagkakalooban naman n~g biyanang kaniya ang anak n~g tinatawag na pasunod , na dili iba't isang kuintas na ginto ó dalawa kayang alipin; at ani Colin ay isinasauli ang boong bigay-kayang ipinagkaloob kung maging masunurin ang manugang, at kung hindi ay binabahagi sa m~ga dapat magmana; datapuwa't ani Delgado, ay patanaw-tao lamang na ipinamamalas sa m~ga nagsidalo, dahil sa ang m~ga yao'y hiram na isinasauli pagkatapos.