United States or French Polynesia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Aking hinahanap anang matanda ang panig na aking tinutuklasan n~g pampawing uhaw. Sa tuwing hapon ang dugtong kung sumasapit ang ikatlong oras ay pinagkakalooban ako n~g Makapangyarihan na makásimsím n~g pampawing uhaw. At saan ka naman kukuha n~g maiinóm sa kadawagang ito, na kinaigahan n~g tubig at kinaitan n~g kanyang balong?
Apat kataong nagkaisá n~g ugali, at nan~gasawing mamuhay sa pamamag-itan n~g panghaharang, ang kasalukuyang tumatalaktak sa matutulis at nakakapasong batong maliliit na nan~gag-sambulat sa m~ga landasin; ang mainit na simoy n~g katanghalian ay tumutupok sa kanilang m~ga noó at nagparamdam n~g malaking kauhawan; datapwa't ang kanugnog na yaon n~g m~ga lupalop na di sinasapit n~g may matahimik na kabuhayan, ay di sinibulan n~g tubig; doo'y walang m~ga bukal, walang batisan, at walang ano mang pampawing uhaw na matutuklas; kaya't ang pagn~gan~galit ay siyang pinagbubuntuhan, kaayaw n~g pakikiayon, yamang wala namang ibang magawâ.
Tayo'y nasa ikatatló na n~g tanghali; yaong oras na inaantabayanan mo upang numamnam n~g pinakananais naming pampawing uhaw ... Hayo ipakita mo sa amin ang pagsipsip n~g katás n~g halamang iyong sinambit at kapagkayao'y aglahi lamang ay kaawâ-awa ang iyong sasapitin.