United States or Samoa ? Vote for the TOP Country of the Week !
Apat kataong nagkaisá n~g ugali, at nan~gasawing mamuhay sa pamamag-itan n~g panghaharang, ang kasalukuyang tumatalaktak sa matutulis at nakakapasong batong maliliit na nan~gag-sambulat sa m~ga landasin; ang mainit na simoy n~g katanghalian ay tumutupok sa kanilang m~ga noó at nagparamdam n~g malaking kauhawan; datapwa't ang kanugnog na yaon n~g m~ga lupalop na di sinasapit n~g may matahimik na kabuhayan, ay di sinibulan n~g tubig; doo'y walang m~ga bukal, walang batisan, at walang ano mang pampawing uhaw na matutuklas; kaya't ang pagn~gan~galit ay siyang pinagbubuntuhan, kaayaw n~g pakikiayon, yamang wala namang ibang magawâ.
Salita Ng Araw