United States or Ukraine ? Vote for the TOP Country of the Week !
At pinasimulan yaong pagdarasal nang sa Dios bagang man~ga capurihan, sa dasal na verso'y nang dumating naman may voces nang ibong siya'y napakingan. Na ang uica'y tunay na narin~gig ca na nang pagdalan~gin mo sa Dios na Amá, gayon man ay di rin tumitiguil siya hangang sa dumating sa verso pang iba.
Madin~gig co yaong iyong napakingan n~g lubos na igauad ang capatauaran, sa lahat n~g aking gauang catacsila,t, aco,i, magcaroon n~g capayapaan. Ang nagpipighati na calulua co ipagmacaamo n~gayong iluhog mo, sa iyong caibig-ibig na Esposo,t, sugatang gaya n~g pagsugat sa iyo.
Mana,i, nagpatauag nang panahong ito ang Emperador na si Maximiano, na balang binyagang cahiman at sino talicdan ang Dios nang man~ga cristiano. Sa dagling panaho,t, ang balang sumuay ay magsihanda na,t, sila,i, mamamatáy, sumunod sa utos niyong napakingan si Catalina n~gang babayeng maran~gal.