United States or Gambia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Caya n~ga,t, sa loob niya ay tinicang sa Montepolciano,i, umalis pagdaca, siya,i, naparoon at nagpatirapa sa paá nang Amáng tinalicdan niya. Yaong catacsila,i, inahin~ging tauad at nag-pipighating hindi hamac-hamac, capagdaca nama,i, agád nang tinangap niyong Amá, yaong alibughang Anác.
Madin~gig co yaong iyong napakingan n~g lubos na igauad ang capatauaran, sa lahat n~g aking gauang catacsila,t, aco,i, magcaroon n~g capayapaan. Ang nagpipighati na calulua co ipagmacaamo n~gayong iluhog mo, sa iyong caibig-ibig na Esposo,t, sugatang gaya n~g pagsugat sa iyo.