United States or Bermuda ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ako'y nagtatapat sa inyong pagkatao sa mga sandaling ito, wala nga akong ibang nais at hangad kundi kayo ay aking makilala, maging matalik na kasama at kaibigan. Hindi kaya pangit sa loob ninyo G. de la Rosa? Maraming salamat po kung gayong ang abang palad ko ay mabibilang ninyong isang lingkod. Sakaling kayo ay nangangailangan ng tulong, ay nalalaan ako kung makakakaya. Gayon din po naman. Bb.
Si Semel ay gumising na maaga; natutulog pa ang mga bata; ang asawa'y yumaon upang manghingi ng tinapay sa kapitbahay; yaon lamang di kilala ang nakaupo sa bangko, na nakatingala sa kisame. Ang kanyang pagmumukha ay lalong tiwasay kaysa tinalikdang araw. Sinabi ni Semel: Ano nga kapatid; ang tiyan ay nangangailangan ng pagkain at ang katawa'y nangangailangan ng damit.
Sa pamamagitan ng mga paunang talatang itó ay sukat nang mahinuha ng sinomán ang nilalaman ng Bulalakaw ng Pag-asa: Pag-asa sa isang Bayang matibay na mapapatayo at hindi sa isang Pag-ibig na balót ng mga pagpapakunwari. Ito'y pañgarap; ñguni't yao'y katotohanan. Gayon man, ang pagkakalabas ñgayon ng aklat na itó ay nañgañgailañgan ng isang paliwanag.