United States or Taiwan ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~guni, pag dating sa sabing nagcucunót ang noó co, at sa man~ga casunód na talata, ay nan~giti ang puso co, nagpuri,t, nagpasalamat sa Dios, at pinagcalooban ca nang masunoring loob. N~gayo,i, dinguin mo naman at aquing sasaysayin yamang hinihin~gi mo ang magandang aral na tinangap co cay Doña Prudencia na aquing Maestra.
Isang gabing tahimic, na bagong natapos acong nagpuri sa Dios, ay nilapitan aco ni ina,t, may ipinahayag. Icao, Feliza, ay na sa capanahonan na sucat ipagisip, na lumagay sa estado. Ang tauo ay di lagui sa mundó, buhay maicli at may catapusan caya ang iniisip co,i, ang sa haharapin. Minamahal cata, bunto at di co; datapoua,t, lalong minamahal co ang capanatagan mo.