United States or North Korea ? Vote for the TOP Country of the Week !
At ako noong taong 1902 na naglalakbay na patun~go sa Melbourne ay nakipag-usap akong maminsanminsan sa m~ga grumeteng malayo sa bapor at madalas na kami ay nagkakaunawaan sa kanilang wikang malayo at sa aking wikang tagalog na gaya rin n~g pagkakaunawaan n~g m~ga portugés, kastila't italiano sa kanikanyang wika. Datapua't sa m~ga wikang pilipino ay ang tagalog at bisaya ang m~ga pinakamalaganap.
Sa pook na yaon, na bahagya nang inaabot n~g liwanag n~g kumpolkumpol na ilaw sa may panggitnang panig n~g bulwagang wala yatang kasinglaki, kaginsaginsa'y nalin~gapan ni Elsa't ni Tirso, samantalang si Dioni'y sa kaibayong gawi nakamata, ang isang babae't isang lalaking marahil ang isip ay wala sa gayong pagdiriwang kundi naglalakbay sa dako pa roon n~g m~ga pangarap ... At ang kanilang anyo't m~ga kilos ay siyang nagpapaakala n~g ganito.
Gayon din masdan mong napa iitaas ang maputing asóng naglalakbay ulap, siyá't pan~ganorin iisa sa malas; yaon ba'y kawan~gis n~g iyong pag~ibig? Kung tunay na gayon, akin n~g talastas na ang pag-ibig mo'y madaling man~gupas.