United States or Oman ? Vote for the TOP Country of the Week !


Di mamacailang sabihin sa aquin na ang catamara,i, aquing susupilin, at hangang bata pa,i, dapat hiratihin sa pagod at puyat ang catauan co rin. Ang tauong touina,i, ualang guinagaua sa boong maghapon cundi magsalita, sa nacaquiquita ay cahiyahiya, at nacamumuhi sa loob nang madla.

Ano mang gamit natin sa pamamahay ay houag ipagamit sa iba cun pangdidirihan, maliban na lamang cun na sa caguipitan at ualá nang magamit na iba, at capos naman sa panahong sucat ipaglinis. Sa pan~gin~gibang bahay naman ay dapat ang pagiin~gat. Sa paggamit nang casangcapan nang may bahay ay di ucol ang ualang uastó, ualang cahusayan at calinisan, sapagca,t, nacamumuhi.

Halos sa baua,t, fojas at sa baua,t, talata ay may mababasa roong man~ga sabing sinun~galing, man~ga udyoc na capangahasan, man~ga nacamumuhi,t, mahalay na iparin~gig sa man~ga tunay na cristiano, man~ga paglalapastan~gan sa man~ga cagalang-galang na Puno nang santa Iglesia at sa caramihang cristiano, man~ga pagsisiphayo sa Dios, man~ga camangman~ga,t, cahunghan~gang humihicayat sa pagcampi sa tacsil at sucab na si =Lutero= at sa iba pang man~ga ereje, man~ga aral na lubhang lihis at man~ga =erejíang= tunay; ano pa,t, hangan sa umuudyoc upang houag sampalatayanang may Dios . Ang lahat nang ito,i, pauang mababasa diyan sa tampalasang libro, at caya =baual= na basahin, at ang pagbasa noo,i, isang lubhang mabigat na casalanan.

At sa iyo, Feliza, ang hulí cong bilin, ay houag mong bobonotin sa simbahan at saan man ang paa sa chinelas, at pagpilitan mong matacpán nang saya, sapagca,t, ga nacamumuhí sa malinis na matá ang ipaquita. Ipahayag mo cay ama,t, cay ina ang boong cagalan~gan co: Adios, Feliza, hangang sa isang sulat. Si Urbana cay Feliza . MANILA....